24 Oras Podcast: October 15, 2026
· 1 h 11 min · Episode 479
Episode 24 Oras Podcast: October 15, 2026
Narito ang mga maiinit na balita sa 24 Oras Express ngayong Huwebes, October 15, 2026.
• Libo-libong isda, nangamatay sa ilang palaisdaan; mga apektadong mangingisda, umaapela ng tulong • Nasa P10M halaga ng mga ari-arian, natupok; isa, sugatan • P55K halaga ng hikaw ng babaeng naglalakad sa kalsada, hinablot • VP Duterte: Ginagamit ba ang budget para gipitin ang senator-judges?; Gatchalian: Patas ang impeachment trial at wala itong koneksyon sa budget • Bilis ng internet connection at mobile network speed sa MRT-3, sinuri ng NTC • DSWD, nag-demo kung paano gagamitin ang 'water filtration system' na planong ipamahagi • Pope Leo XIV, nagpapagaling sa ospital matapos ma-diagnose ng lung cancer • "Machong Chismisan" podcast na inilarawan ang anak ni Kris Aquino na si Josh na "walang kwenta" at "nakatunganga lang," binatikos • Mga bida ng 'The Master Cutter' at 'Taskforce Firewall', nakisaya sa Coramblan Festival • Aabot sa P1.4M na halaga ng mga produkto, nakuha sa isang online seller ng umano'y scammer na gumagamit ng pekeng proof of payment • Dagdag-bawas sa pondo ng ilang proyekto at realignment ng mga kongresista sa NEP, pinuna sa Senado • Ika-lima sa nagpakilalang 'maleta boys' tumestigo; binanggit ang ilan pang personalidad na hinatrian niya umano ng maleta • DTI, tiniyak na sapat ang suplay ng mga pangunahing bilihin • Wacky pictorial umano ng prosecution team sa session hall ng Senado, pina-iimbestigahan ni Senate Pres. Gatchalian • 'The Voice Kids' coaches, excited na sa huling 2 rounds ng blind auditions • Babala ng child dev. professionals at mental health experts: Limitado ang pag-aaral kung talagang nababawasan ng ban ang masamang epekto sa kabataan • Dating bagyong nasa labas ng Philippine Area of Responsibliity, humina na bilang Low Pressure Area • Book 2 ng 'The Master Cutter: Anak ng Sinulid' nagsimula na; cast, very excited sa itatakbo pa ng serye • Net satisfaction rating ng mga matataas na opisyal ng bansa, bumaba base sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations • House Majority Leader Sandro Marcos, umanib sa LAKAS-CMD • "Balanga Green Mobility Hub" na solusyon umano sa mahal na langis, pamasahe, at isyu sa PUV modernization, ininspeksyon ni PBBM • Casas Con Vistas Resort, iginiit na wala silang kaugnayan kay Rep. Duterte • House Lead Prosecutor at Batangas Representative Gerville Luistro, humingi ng paumanhin kaugnay ng nagviral na wacky photos ng Prosekusyon • Halaga ng Piso kontra Dolyar, sumadsad sa P63.06=$1 • 4 truck at 1 bus, nagkarambola; nagka-traffic sa Pulilan-Candaba viaduct Northbound • Teaser drop ng MMFF 2026 entry "Amir," pinusuan; mahigit 4M na ang views online • Trust rating ni Pangulong marcos, bahagyang tumaas sa pinakahuling survey ng Pulse Asia • Unexpected collab ni Olivia Rodrigo at Chappel Roan para sa kantang 'Expectations'
Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Links in the notes 1
Shows are listed from Apple Podcasts' charts and directory, and Podcast Index where it is used. Every show and episode belongs to its publisher and plays from the publisher's own feed; this site hosts none of them. Explicit shows are for adult profiles only, and children’s profiles hear only children’s shows. More about this list.