24 Oras Podcast: October 9, 2026
· 1 h 08 min · Episode 473
Episode 24 Oras Podcast: October 9, 2026
Narito ang mga maiinit na balita sa 24 Oras Express ngayong Biyernes, October 9, 2026.
• Mahigit 100 taga-Agoncillo, inilikas dahil sa ashfall kasunod ng minor phreatomagmatic eruption sa taal volcano • P353,000 halaga ng mga mishandled frozen meat at galantina, kinumpiska sa Balintawak Market • Pagbasa dapat ng sakdal kay VP Duterte ngayong araw, ipinagpaliban muli ng QC RTC • Grupo ng mga trucker, balik-biyahe na ngayong araw • Pagsaklolo sa sundalong may sakit, natagalan dahil sa pagharang ng China; tinutukan at ginamitan pa umano ng water cannon ang barko ng PCG • Pork producers — ibalik ang dating taripa sa imported na baboy dahil nahihirapan ang local hog industry • 2 empleyado ng LTO, huling tumanggap ng bayad para sa non-appearance na pagkuha ng rehistro at lisensya • Kokoy de Santos at Jay Ortega, napasabak sa heavy drama sa upcoming 'Magpakailanman' episode • 13 arestado sa bahay na ginagawa umanong drug den; iba't ibang uri ng droga, nakumpiska • Depensa ng Palasyo sa mga pumupuna sa panonood ni Pres. Marcos sa F1 race — walang gagastusin ang bansa • LPA, nabuo sa loob ng PAR; uulanin ang ilang lugar sa bansa ngayong weekend • Panukalang magbabawal sa mga 17-anyos pababa na gumamit at magkaroon ng socmed accounts, lusot na sa Senado • Hontiveros — posibleng sangkot sa money laundering at fraud ang isang Ukrainian firm na nag-remit ng pera sa kumpanyang idineklara ng bise sa kanyang SALN • Mahigit P6M halaga ng counterfeit umanong slimming coffee, nabisto sa pagawaan sa Bulacan • Article III na tungkol sa umano'y panunuhol ng bise sa DepEd officials, iniatras na ng prosekusyon para mapabilis ang paglilitis • Malacañang — tuloy ang pagtatayo sa Kaliwa dam sa kabila ng mga delay • Marian Rivera, magbabalik-serye para sa 'Behind Closed Doors'; makakasama si Dingdong Dantes sa pelikulang 'Remember' • Inang namatayan ng anak dahil sa 'mistaken identity', umaasang mabibigyan na ng hustisya makalipas ang 6-taon • Dagdag-bawas sa presyo ng ilang produktong petrolyo, aasahan sa susunod na linggo • 3 nahuling sangkot sa delivery scam, sinampahan ng reklamo • DSWD — halos 200,000 pamilya na ang apektado ng El Niño; may mga nakalatag nang hakbang gaya ng food packs, atbp. • Show cause order vs. driver ng SUV na nadisgrasya sa Caloocan, ilalabas ng LTO • Pagtestigo ng financial forensic analyst, inalmahan ng depensa; pinayagan ng presiding officer • Surprise reunion ng anak at ama matapos ang 2 taon, nagpaantig sa netizens
Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Links in the notes 1
Shows are listed from Apple Podcasts' charts and directory, and Podcast Index where it is used. Every show and episode belongs to its publisher and plays from the publisher's own feed; this site hosts none of them. Explicit shows are for adult profiles only, and children’s profiles hear only children’s shows. More about this list.